Kung gusto nating kontrahin ang mga political dynasty, dapat nating kontrahin ang kandidatura ni Jack Enrile.
Si Jack Enrile, katulad ng karamihan sa mga kumakandidato para sa senado, ay sumasalamin kung gaano kagahaman sa kapangyarihan ang mga political dynasty.
Hindi kaila sa atin na si Jack ay nag-iisang anak na lalaki ni Sen. Juan Ponce Enrile, ang pasimuno sa pagdedeklara ng Martial Law noong panahon ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos. Nagsilbi pa bilang defense minister ni Marcos si Juan Ponce Enrile kung kaya’t hindi lamang siya maituturing na pasimuno ng diktadura kungdi tagadepensa pa.
Hindi nawala sa poder ng kapangyarihan ang mga Enrile kahit na napatalsik ang diktadura ni Marcos. Bagkus nakabalik pa sila sa kapangyarihan at ngayon nga ay nais pang palitan ni Jack ang kanyang ama bilang senador.
Katunayan, hindi lamang si Juan at Jack sa mga Enrile ang napuwesto sa pamahalaan kungdi maging ang kanilang mga kamag-anak.
Mismong ang asawa ni Jackie na si Sally ang pansamantalang pumalit sa kanya noong 2007 hanggang 2010 bilang kinatawan ng unang distrito ng Cagayan Province. Ito ay nangyari matapos ang tatlong sunod na termino ni Jack noong 1998 hanggang 2007. Muling nagbalik bilang kinatawan ng unang distrito ng Cagayan si Jack noong 2010.
At ngayon nga na tatakbo si Jackie bilang senador ang asawa niyang si Sally naman ang kakandidato bilang kinatawan ng nabanggit ng distrito.
Galing ano po? Only in the Phililppines.
Mangyayari lamang ito kung papayagan ng mga botante.
Hindi ba’t si Jack ay involved sa pagkamatay ng actor na si Alfie Anido, gayundin sa pagkamatay ni Ernest Lucas Jr., anak ni Commander Ernesto Lucas, at sa pagpatay sa negosyanteng si Ricardo Manalad Jr.
Ayon mismo kay Jackie, aksidente ang pagkamatay ni Lucas at ni Manalad sa kamay ng kanyang mga bodyguards habang naghugas kamay naman ang batang Enrile sa pagkamatay ni Anido, na aniyay nagpatiwakal.
Naalala ko tuloy si Mayor Alfredo Lim, na kung saan ang mga kriminal na nahuhuli sa Maynila ay nagtatangkang mang-agaw ng baril at natotodas.
Sa Kongreso, nagkaroon na sila ng adik na kongresista, papayagan ba nating makarating si “Jack The Ripper” sa Senado?
Huwag naman mga kababayan, kaya sa Mayo, Jack "The Ripper" Enrile, huwag iboto.